September 2010.
Umpisa na ito ng balita sa mga kalye ng Brgy. Sta. Clara.
Ilan nga ga ang kalye sa amin? Mula sa SanLuis, pagtawid ng tulay, yan ang Kalye Kanluran. Mula sa San Fernando, yan naman ang Kalye Silangan. Mula sa bundok, yan ang Kalye ng Ilaya. Meron pa. Yung Kalyeng "Iskul". At ang pinakasikat nung araw, yung Grade I pa ako noon at ang teacher namin e si Mrs. Silva. Yun ang Sentro.
Hindi laang ito talaga umpisa ng mga balitang Sta. Clara kundi ito rin ang umpisa ko ng pag-aaral ng internet. Yung mas mataas sa level ng email at chat. Sa totoo laang eh di ko pa rin kabisado ang chat. Inaaral ko pa kung kelan ko bibitawan ang "lol", "sup", etc. Ang kabisado ko pa laang na mayat-maya kong tina-type eh "brb" pag di ko na alam ang isusulat.
Sabi ng iba e di na uso ang Friendster kaya kagabi e gumawa naman ako ng account sa Facebook. Kaya laang me nag suggest, "Why not try BLOGGING?". Aba medyo sosyal ang tunog. Kaya naman sabi ko laang, ng medyo pasosyal at mala-Kris Aquinong ding sagot, "Why not!"
Ok game na !
No comments:
Post a Comment