Popular Posts

Wednesday, September 22, 2010

Baket dati ay December 26 ang Pasko sa Sta. Clara?

Kinagisnan ko na ang Paskuhan sa Sta. Clara ay December 26 sa halip na December 25.  Gawa ng ayan ay may kwento.  Ganito……
Noong unang panahon daw kung kelan di pa nauuso ang ang pagsusuot ng “Magic Kamison” ng Regal Films  (kung saan sumikat si Dina Bonevie sa original version ng “Katorse” at Snooky Serna sa “Bata pa si Sabel”),  ang bahay sambahan sa Sta. Clara ay yun pa lang Tuklong.  Ayan na naman ang Tuklong ha.  Maliit na simbahan.

Wala ring regular na misa.  Maaaring dahil sa kakulangan ng pari sa parokya ng Sto.  Tomas  o dahil hindi pa maayos ang kalsada.  Ang mga tao ay maagang gumigising sa December 25 para magluto at magbaon ng pagkain papunta sa bayan.  Sa bayan laang daw baga ang misa.   Dahil naglalakad laang ang mga tao paluwas ng Sto. Tomas, dumarating sila doon ng halos magsisimula na ang alas dose na misa.

Pagkatapos ng misa, ay bubuksan na ang mga “binalot”.   Lafangan na, sa madaling sabi.  Pagkatapos ay mamahinga nang kaunti at baka naman pumutok ang appendix kung maglalakad ng busog, di ga?  Pag nakapahinga ay tayuan na at balikan na sa Sta.  Clara.  Dahil pagod na sa paglalakad,  ang mga  “Clarenians”  ay natutulog na lamang pagdating ng bahay.  At sa December 26, paggising nila,  ayun ginawa na nilang extension ng birthday ni Jesus.  Galaan na at Paskuhan.

Pero kailan lamang , dahil sa regular na rin naman ang misa sa atin pag Pasko, itinama na rin natin ang selebrasyon sa petsa, December 25.  Noong una,  ramdam ang pag-ayaw ng iba.  Pero lumaon e sumunod na rin sila.  Paano ga naman e yung iba e nag-a-outing na sa Dec 26.  Naalis ng bahay.  E di pagdating mo sa kanila e walang haharap sa yo, wala kang papasko.  Yan ay dahil late ka na bumisita.  Walang nagawa, sumunod na lang.

Kakaiba talaga di ga?  Yan ang isang kwento na nagpapaliwanag kung baket noong una , pag December 26 ay kalat ang mga tao sa KALYE NG STA. CLARA.

2 comments:

  1. ay di magaling na rin nmn kung naitama sa tunay na kapetsahan..pero ang sa akin laang palagay ay pupwede rin namang hinayaan na laang na ipagpatuloy ang nakaugalian para ika nga eh..."only in Sta. Clara"..!!!!

    ReplyDelete
  2. nung bata pa ko, madalas kami umuuwi sa sta. clara, kina lola, at bawat street eh pinupuntahan namin ksama ko mga pinsan ko at mga tiyahin, nagtataka ako minsan bkit halos lahat ng mga nakatira dun namamasko kami, un pala kamaganak pala namin mga andun, navera at guevarra :)

    ReplyDelete