Una, Basahan ng Pasyon.
Pangalawa, Flores de Mayo
Pangatlo, Fiesta ng Mahal na Patrong Sta. Clara
Ang totoong fiesta ng Sta. Clara ay August 11. Ewan ko laang sa history ng aming barangay at late kami nagse-celebrate noong araw, August 12 na.
Dati, noong bata pa ako, ang Fiesta ng Sta. Clara ay parang ordinaryong araw lamang na me misa sa umaga at ang estudyante e may pasok na sa iskul pagkatapos ng misa. Ganoon pa man ay meron pa rin namang syam na araw na Novena. Sabi nga eh ito ang totoong fiesta ng aming nayon pero mas bongga ang selebrasyon pag Tapusan. Dahil kaya bongga ang mag damit ng mga reyna at sagala? Hinde naman siguro.
Mahigit twenty years na rin mula noong naging Parokya ang Sta. Clara. Dati ay sakop kami ng Parokya ng Sto. Tomas. Sa pagpupursige ng mga Manang at Manong na me matinding paglilingkod sa Simbahan , kami ay naging ganap na parokya na. Kasama sa aming grupo ang mga katabing barangay ng San Joaquin, San Fernando, San Luis, San Francisco at Sta. Teresita.
Kauna-unahan naming parish priest si Father Mandy Panganiban.
Noong una syang dumating sa parokya, ang tingin ko ay guapong-guapo sya. (Patalastas: hanggang ngayon kaya e kumakanta pa rin si Fr. Mandy ng “Diana”? Yung ang lyrics e “You’re so young and I’m so old. This my darling, I’ve been told…”)
Noong una syang dumating sa parokya, ang tingin ko ay guapong-guapo sya. (Patalastas: hanggang ngayon kaya e kumakanta pa rin si Fr. Mandy ng “Diana”? Yung ang lyrics e “You’re so young and I’m so old. This my darling, I’ve been told…”)
Yun nga, guapo sya noong una. Pero dahil sya ang unang namuno sa Parokya na ng panahon na iyon e nag-a-adjust pa, napansin ko padami na nang padami ang kanyang puting buhok. Baka sumakit ang ulo sa aming mga parishioners.
Bale, isang araw na di ko na matandaan kung kelan e humiwalay na ang Sta. Teresita sa Parokya at sumama na lang sa Parokya na malapit sa Lipa. Hinde ko alam kung ano ang dahilan pero sa hula ko lang eh dahil sa lokasyon nila. Mahirap din naman talaga dahil walang byaheng regular mula Sta. Clara hanggang sa kanila. At kung maglalakad naman e lawit na ang dila sa pagod bago maka-ahon ang mga manang.
Kung me mga sagala sa Tapusan, nagsimula na ring magkaroon ng Hermana Mayor sa Fiesta. Pwedeng pamilya at pwedeng samahan na konektado sa Sta. Clara.
Wag isnabin at din na rin pahuhuli ang mga saya at barong sa parada. Maganda na rin ang selebrasyon mula sa unang araw ng Novena hanggang mismong Fiesta. Sangdamakmak na rin ang mga paring nakikiisa sa misa kaya nga super festive at bongga!
Makalipas ang ilang taon, itinama na rin ang selebrasyon sa tamang petsa, August 11.
Pagkatapos ng term ni Fr. Mandy e sumunod naman si Father Lito Malibiran. Nasundan ni Father Raul Martinez at ngayon e si Father Angel Pastor.
Sa pagdaan ng panahon, at nagpalit-palit man ng pari sa parokya, di pa rin nababawasan ang magndang selebrayon sa KALYE NG STA. CLARA.
anla ey...tinamaan ng lintek iyan ahhh at palagi na laang may itinatama...ay ano p ga naman ang sala..? ayuse at baka sa susunod ih mapirpir na ang gulamat!!!sulong.....
ReplyDeletesalamat sa komentaryo, mr. pido. di ga't ikaw yung taga sentro? sasala ang sandok sa palayok pero hindi ang aking palagay na minsan ay nagkasalubong na tayo sa KALYE NG STA. CLARA.
ReplyDelete