Kumusta na, mga kanayon?
Ang tagal kong nawala. Paano ga naman ay maraming inayos. Ay ano na gang bago?
Sa Sta. Clara ay ito, naambon. Sabi nga ng isang taga Kanluran, " Ala eh, napiyayay na naman." Hehe.
Marso ngay-on at ang uso ay, korek ka, graduation !
Tanda ko noong araw, pag ganyang isang linggo pa bago mag- graduation ay praktisan na laang nang praktisan ang mga batang magsisipagtapos. Kasabay ng background music ay aakyat sa stage. Kunwari ay tatanggap ng diploma. Me pakamay-kamay pa.
Pagkatapos ay ang "graduation song" naman. Chorus. One, 2, 3, sing!
Yun namang mga bata na hindi gagraduate, pag me pambili ng saya at barong ay kasali sa sayaw. Kaya ayun practice din. At ang mga honor students naman na sasabitan ng ribbon at medalya ay nag-iisip na rin ang mga ina kung anong ipapasuot sa anak na medyo bongga. Minsan me mga ina naman na kung magsabit ng ribbon sa anak ay mas bongga pa ang porma kesa sa sinasabitan.
Syempre noong una pag gay-ang graduation ay sikat na naman ang "palamig" na walang lasa pero me kulay na sinisipsip sa plastic. Doon sa lumang iskul noong araw, pila ang mga tindahan sa loob. Pinapayagan sila dyan magtinda pag graduation. Kaya ang mga batang manonood laang e kelangan pang me baon.
At ito ang hinihintay ng mga gagraduate, ang regalo ng mga kamag-anak at kaibigan. Hindi sapat na "congratulation" laang. Kailangan naman e me "abot" para mas masaya.
Ngayon kaya, ganoon pa rin? Hindi ko alam. Minsan nga e pag me panahon, kahit wala akong kakilalang gagraduate e makapanood nga. Matingnan kung parehas pa baga ang istorya ngayon ng graduation at noong una.
No comments:
Post a Comment