… masaya ang mga bata pag me bunga ang puno ng mangga sa “loob ng iskul”. Abot ang paltok dyan ng bato at “uyo” pag Sabado. Pipiliting manlaglag. Minsan ginagamit ding pambato ang tsinelas.
--- minsan naman ay mangunguha ng salagubang gamit ang “patda” ng mangga. Pag nakahuli ay itatali ng liting at paliliparin nang paikto-ikot hanggang mahilo. Hmmmmnnn nahihilo ba ang salagubang?
--- minsan naman ay mangunguha ng salagubang gamit ang “patda” ng mangga. Pag nakahuli ay itatali ng liting at paliliparin nang paikto-ikot hanggang mahilo. Hmmmmnnn nahihilo ba ang salagubang?
--- ayaw na ayaw namin ng Byernes. Paano naman ay magdadala ka ng “as-is” pagpasok mo sa tanghali at pipilitin mong alisin ang libag ng iyong “desk”. Kumparahan at paputian. Ang masisipag ay may dala pang tubig at basahan. Ang mga tamad naman ay pahingi-hingi lang ng dala ng iba. Isa ka ga doon?
--- pataasan ng lundag sa luksong tinik at pataasan ng paa sa pagkalwit sa “chinese garter”. Malimit ang mga babae ay naglililis pa ng palda para di sumabit.
--- pag sinabihan ka ng maestra na bukas ay me class picture taking, asahan mo me papasok bukas na nakasapatos. Paano e gusto nila ay sila ang nasa una para nga naman sa litrato ay kitang-kita. Sa likod naman nakapwesto ang mga nakatsinelas para di masilip ang mga paa.
--- pag bibisita ang district supervisor or mayroong achievement test, isang lingo kayong walang patid, umaga at hapon na mag-aayos ng garden. Malamang pipinturahan nyo pa ang mga bato para magandang tingnan.
--- sa pagsisimula ng school year e ay sasabihin ng maestra na lahat ay magdadala ng “urang”. Pag nakapagdala kayo ng urang ay susunod na ipapadala ay “tae ng kabayo”. Hahahahahaha! Akalain mo iyun, lalakad ang mga estuduante sa kalye na lahat me bitbit na tae ng kabayo.
--- uso ang kuhanan ng “ninang” at “ninong” pag me “scout investiture ceremony”. Dyan mo maririnig ang “Star Scout Promise”, “Panunumpa sa Watawat”, “Pangako ng Boy Scout” at kung ano-ano pa. Syempre dahil mukhang nagbinyagan din naman ay me bigayan din ng sobre pagkatapos. Pagtalikod ng ninong at ninang ay bukasan na ang sobre at magtatanungan, “magkano ang sa yo?”. Ayos, takbuhan na sa tindahan at bibili na ng palamig.
--- speaking of palamig sa iskul noong araw, mas malimit yan na walang lasa pero inuman pa rin kami dahil me kulay baga. Maiba naman sa tubig. At saka iba rin yung pag nag-uusap kayo ng mga kaeskwela mo e me dala kang plastic na me straw at panay ang sipsip kesa tubig sa baso na walang kadating-dating. Haha!
--- sa umpisa pala ng klase kung kelan bago ang lahat ng notebooks , kelangan na maganda at malinis. Me pabalat pa yan na lumang pambalot sa regalo. Sa mga “rich” nga eh mayroon pang plastic cover. Maayos ang pagsulat sa una. Dahan-dahan. Bago nalao’y pwede na rin ang sulat na iwa-iwarang. Ay ano ga ay luma na naman.
--- Row 1. Matatalino daw yan. Row 2, average. Row 3, malapit na sa Row 4. At Row 4… hmmmmnnn, alam mo na. Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit. Napapag-usapan lang. Pero ang matindi nyan kung me Row 5 pa. Ibig sabihin, umaapaw na kami sa Row 4 at kelangan na ng extension. Siguro ito ang tipong bawat titig sa amin ng teacher ay parang sinasabing ,"see you next year". Ito talagang maestra ko, kaming nasa Row 5 ay mahal na mahal. Ayaw na kaming pakawalan.
… bago umuwi ang mga bata ay basa ng pawis sa paglalaro ng “sikyo”. Pag buenas ka uuwi kang sumisigaw ng “uwian na…. uwian na…”. Pag malas naman ay uuwi kang me “bangas” sa mukha. Alin man sa ikaw ay nabangga ng kahabulan mo sa sikyo o ikaw ay sumadsad ang mukha sa lupa ng “tagain” ka ng kalabang grupo. Hindi naman yan masyadong masakit. Dahil ang pagtaga naman ay palad lang ginagamit, hindi “gulok”. Maraming bata ang tumatakbo na tapak at ang “sipit” na dapat sana sa paa ay nakasuot sa palad.
--- paglabas ng tarangka ng iskul ay me kwentuhan , me tsismisan at tawanan. Ugong na habang naglalakad pauwi ang mga estudiante sa KALYE NG STA. CLARA.
galing mo ah, naalala ko tuloy ng ako ay elementaria p,pag kuha ng bulalak pag may-alay at pagpapalipad ng bulador,pero ang salagubang eh d pinapatda kundi inuugog lang ang sanga ng kahoy at lalaglag na yan,
ReplyDeletesalamat sa comment. panapanahon kasi yan. panahon ko ang patda. panahon mo ang inuug-og. masaya ako at me nagbabasa pala ng aking sinulat. mabuhay ka, kaibigan! kung naka-relate ka sa mga kwento ko, ibig sabihin nyan, isa ka sa mga nakalakad, naglalakad at lalakad pa sa KALYE NG STA. CLARA.
ReplyDeletealam mo, as i was reading about the sikyo, i remembered our batch na half of grade 3 class of Mrs. Mamuyac na naglaro ng sikyo that very hot afternoon, my nagka banggaan sa pagtakbo kc isesave ung mga nataga na nakalinya ng padipa di ba, nasugatan cila at kaming lahat na naglalaro eh napalo ng stick, alam mo yun patpat na 1 1/2 inches ang lapad. well nakakatuwa lang alalahanin...i doubt namamalo pa ba mga public school teachers ngayun?
ReplyDeleteMs Perly, sa madaling sabi , isa ka rin sa naglaro ng sikyo noong araw kung saan ang mga nataga ay , tama ka, pipila ng padipa na kabit-kabit ang mga kamay.
ReplyDeleteMabuhay ka at maraming salamat sa pagbabasa mo ng KALYE NG STA. CLARA.
nalanidnum,...masarap balik balikan ang mga nakaran tulad ng mga sinabi mo,pero nalimuntan mong isama ang TISON AT TIBIG,noon kami pagbakasyon na ay tigitigisa ng SALTIK my kulay pula o kaya ay dekolores samasamang pupunta s ilaya o sa ibaba para manaltik ng maya,pusit pulangga tamisi at madami png aba.ngayon wala na ang mga larung yan puro computer na, nakakamis din ano?
ReplyDeleteMr or Ms Anonymous, maraming salamat sa pagpapa-alala mo ng tison, at saltik.
ReplyDeleteDito ko napatunayan sa mga komentaryo ninyo na hindi maipagpapalit ng mga laro ngayon ang naidulot na saya ng mga laro noong araw.
Eto, pakipindot mo na laang ang link sa isa pang kwento sa barangay. Malamang may maidadagdag ka pa.
http://kalyengstaclara.blogspot.com/2010/09/ano-gang-meron-sa-sta-clara-part-1.html
Isang pagpupugay sa iyo mula sa KALYE NG STA. CLARA !