baket ayaw mag load ang isa kong kwento? yan ang hirap pag di ka marunong masyado sa computer at internet. simpleng problema , di magawan ng paraan.
hmmmmnnn. ulitin ko na lang bukas kung may panahon at maalala ko pa ang mga sinulat ko. kung hinde naman, hala eh gumawa na lang ng bagong kwento.
kung me mga typo error itong mga ginawa ko, sensya na at hindi talaga ako nag-e-edit. kung ano na lang pumasok sa utak ko, yan lang ang tinitipa sa keyboard ng mga daliri ko. yung iba naman, hindi yan typo error, talagang mahina ako ispeling kahit noon pang araw.
kaya kung me bata na makikibasa sa inyo, pakigabayan lang. ito ay para lang personal journal. ito'y mga simpleng kwento, hindi ito libro.
gusto ko lang ipaalala sa sarili ko at marahil sa mga nakakabasa nito ng mga magagandang pangyayari sa KALYE NG STA. CLARA.
No comments:
Post a Comment